Daldalera

Howdy everyone! Thanks for visiting my space! Feel free to leave comments, suggestions, or reactions. :) Have a great day!

Biyernes, Nobyembre 2, 2012

"Keep the Faith":)


"The darkest hour of the night came just before the dawn."

Pagod ako... at nakakatawa dahil wala naman akong ginagawa. Naghihintay lang ako ngayon ng resulta sa pagsusulit na pinaghirapan kong bunuin ng apat na taon sa kolehiyo. Pero bakit pakiramdam ko sobrang tagal ng apatnapung araw ng paghihintay.

Nandito lang ako't nag-iisa sa syudad. At lalong tumitindi ang kalungkutang nadarama ko ngayon dahil sa nalalapit na kapaskuhan. Bakit nga ba ayaw kong umuwi? Bakit nga ba pinaparusahan ko ang aking sarili na hindi makasama ang aking pamilya sa probinsya? Ah! Oo nga pala. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong mag-isa. Gusto kong patunayan na makakamit ko ang aking mga pangarap. Ang dami kong plano bago ako napadpad dito... Pero unti-unti nang naglalaho ngayon. Ang daang ipininta ko sa aking balintataw animo'y nabubura na. Hindi ko na alam kung saan ako papunta.


Nakakapagod din palang lumaban. Nakakapagod ng maghintay ng walang katiyakan. Siguro minsan, kailangan din nating bumitaw. Malay natin, sa pagbitaw na iyon ay may matagpuan tayong mas matibay na baging na maaari nating kapitan. Sisibol ang pag-asang maaabot rin natin ang tagumpay. Maaaring hindi pa sa araw na ito... pero natitiyak ko, mangyayari at mangyayari ito BALANG-ARAW.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento