Daldalera

Howdy everyone! Thanks for visiting my space! Feel free to leave comments, suggestions, or reactions. :) Have a great day!

Biyernes, Nobyembre 2, 2012

Ang Buhay ng Isang Fan





Naranasan nyo na bang humanga sa isang tao? Mapa-artista, mang-aawit, komedyante, at iba pa... Iyon bang hindi kumpleto ang araw nyo hangga't hindi siya masilayan kahit sa telebisyon man lang. Yung paggising mo sa umaga ay binabati mo ng "good morning" sabay halik ang larawan niya. Yung sa sobrang ka-iisip mo sa kanya ay napapanaginipan mo na siya. Yung umiiyak ka pag brown-out dahil alam mong nasa tv siya. Yung halos mapuno na ang dingding ng kwarto mo sa mga posters niya. Yung inuulit mo ang sinasabi niya. Hayy, ang dami pang ginagawa ng isang fan na hindi alam at maaaring hindi na malalaman kailanman ng kanyang hinahangaan.

Hindi naman masama ang humanga. Lahat naman siguro ng tao ay may kanya-kanyang iniidolo. Lalo pa't kung nagiging mabuting impluwensya siya sa'yo. Ngunit hanggang kailan ito? Normal ba talaga ang nararamdaman ko? Bakit yung ibang tao humahanga sa isang artista pero hindi sila nag-aabalang gawin yung mga nasa taas? Sumosobra na ba ang pag-iidolo ko sa kanya? Ano ba ang dapat gawin? Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko siya ang dahilan kung bakit ako masaya...kung bakit ginagawa ko ang lahat upang maging mabuting mamamayan. Siguro nga ganito talaga ang buhay ng isang fan. Nagmamahal kahit alam mong hindi ito masusuklian. Pero ayos lang. Ganun talaga! Sumasaya naman ako. Hinding-hindi ako magsisisi na tingalain ang isang napakagandang bituin dahil alam ko, karapat-dapat naman siyang mahalin.

Kaya Vice Ganda! Kahit anong mangyari... Kahit naririndi ka na sa hiyawan ng mga tagahanga mo... Sa paulit-ulit na kasisigaw ng "I love you, Bays!"... Hinding-hindi parin kami titigil. Dahil ito lang ang paraan upang kahit papaano'y mailabas namin ang aming paghanga at taos-pusong pasasalamat sa iyo! I LOVE YOU, VICE GANDA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento