Daldalera

Howdy everyone! Thanks for visiting my space! Feel free to leave comments, suggestions, or reactions. :) Have a great day!
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mother horse. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mother horse. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Vice Ganda o Vice Pogi?

Ang daming nagsasabing sana naging lalaki nalang si Vice. Ang daming kinikilig pag nag-aact siyang Lester o Vice Pogi. Pero kung lalaki talaga siya, kikiligin pa ba tayo ng bonggang-bongga? Sa mga nagwagwapuhang leading man na pwde niyang maging kakompetensiya gaya ni Coco M. at Piolo P., sa tingin nyo mag-stand out siya sa kanila kung lalaki talaga siya? Hindi diba? Yung kaalaman na bakla siya pero nagagawa niyang magpakalalaki, yun ang nagpapakilig sa atin. That's what makes him handsome. At dahil nga bakla siya, alam niya kung paano hulihin ang kiliti ng mga babae. Kaya naman eksaherada na ang pagkabaliw natin sa kanya. Alam kasi niya kung paano maging "ideal" man ngunit hindi kung paano maging "real" man. 
Pero ako, hindi ko na gugustuhing maging lalaki si Vice! (Para damay-damay na tayong lahat na forever hopia sa kanya! Bwahaha! Bitter lang.) mahal ko siya sa kung sino at ano pa siya! 
****
NP:There is not one hair of you that I would rearrange. I love you the way you are and that will never change!

Martes, Nobyembre 6, 2012

"The Unkabogable Vice Ganda"

 

(and here I am again, writing as an obsessed fan! But I just can't help it. I have lots of things to say when it comes to my idol, Vice Ganda!)
"Ha? Bakit? Bakit ano yun?" -Vice Ganda 
With his pulchritude, wit, humor and charisma, the unkabogable Vice Ganda has unconsciously touched the lives of many Filipino youths (including me) whom he refers to as his "little ponies". His favorable public reputation is highly honored and acclaimed. It is true that he is now one of those stars in show business who are in their peak of success. But what's really nice about this 36-year old comedian is that he still remains/maintains his feet on the ground. (and that's pretty hard because he's flying, soaring up high, flipping his wings and almost reaching the clouds but never forgets that he still has feet to walk on a filthy soil, just like what he used to do before) That is why he deserves all his success and, in all fairness naman, he really worked hard to reach that summit which was seemingly difficult to mount at. But hey! Si Vice Ganda pa! What do you expect? Of course, he can surpass all those difficulties along the way. Duh! Kaya nga he's the UNKABOGABLE one, eh!..:)

Biyernes, Nobyembre 2, 2012

Ang Buhay ng Isang Fan





Naranasan nyo na bang humanga sa isang tao? Mapa-artista, mang-aawit, komedyante, at iba pa... Iyon bang hindi kumpleto ang araw nyo hangga't hindi siya masilayan kahit sa telebisyon man lang. Yung paggising mo sa umaga ay binabati mo ng "good morning" sabay halik ang larawan niya. Yung sa sobrang ka-iisip mo sa kanya ay napapanaginipan mo na siya. Yung umiiyak ka pag brown-out dahil alam mong nasa tv siya. Yung halos mapuno na ang dingding ng kwarto mo sa mga posters niya. Yung inuulit mo ang sinasabi niya. Hayy, ang dami pang ginagawa ng isang fan na hindi alam at maaaring hindi na malalaman kailanman ng kanyang hinahangaan.

Hindi naman masama ang humanga. Lahat naman siguro ng tao ay may kanya-kanyang iniidolo. Lalo pa't kung nagiging mabuting impluwensya siya sa'yo. Ngunit hanggang kailan ito? Normal ba talaga ang nararamdaman ko? Bakit yung ibang tao humahanga sa isang artista pero hindi sila nag-aabalang gawin yung mga nasa taas? Sumosobra na ba ang pag-iidolo ko sa kanya? Ano ba ang dapat gawin? Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko siya ang dahilan kung bakit ako masaya...kung bakit ginagawa ko ang lahat upang maging mabuting mamamayan. Siguro nga ganito talaga ang buhay ng isang fan. Nagmamahal kahit alam mong hindi ito masusuklian. Pero ayos lang. Ganun talaga! Sumasaya naman ako. Hinding-hindi ako magsisisi na tingalain ang isang napakagandang bituin dahil alam ko, karapat-dapat naman siyang mahalin.

Kaya Vice Ganda! Kahit anong mangyari... Kahit naririndi ka na sa hiyawan ng mga tagahanga mo... Sa paulit-ulit na kasisigaw ng "I love you, Bays!"... Hinding-hindi parin kami titigil. Dahil ito lang ang paraan upang kahit papaano'y mailabas namin ang aming paghanga at taos-pusong pasasalamat sa iyo! I LOVE YOU, VICE GANDA!

Martes, Oktubre 30, 2012

The Vice Ganda Syndrome

Jose Marie Viceral aka Vice Ganda is the unevictable hurado in Showtime (ABS-CBN). He is also the host of the trending capital show in the Philippines - the Gandang Gabi Vice. He is known for his wit, humor and "pauso" such as "may nagtext".
For me, he is the spice of the show (Showtime). He makes the show flavorful in a metaphorical sense. Well, I'm not saying that the other hosts are not interesting. Indeed, they are! But Vice Ganda is a star that everyone (even his haters) can't help but to look up to him. That super bright light coming from him is very powerful. Be careful because if you're hooked at his charm, you cant get away with it anymore. You will be under his spell forever! Rawr! Tsk tsk! I'm not kidding! This is true... Hell yeah, this happens to me. It's useless to fight because this is really unusual. Scientists haven't discovered any cure yet... But I'm still hoping if not for a recovery, at least this would not result to worse thing. Awwooo! Happy Halloween!

 Bottomline: I just love you Vice Ganda! Happy halloween!

VICE GANDA!


V-vaklush k mang maituturing
I-iniibig parin kita,aking giliw
C-cckapin kong tulang ito'y maging
E-espesyal at kailanma'y d magmamaliw

G-gabi ko'y kay ganda pag nasisilayan ang iyong mukha
A-araw ko'y kay saya pag nakikita kang nakatawa
N-nahihiya ang mga tala sa ningning ng iyong mata
D-dahilan kung bakit ako naaadik sayo Vice Ganda...
A- ang gusto ko lang nmng sbihin ay "MAHAL NA MAHAL KITA!"

Lunes, Oktubre 29, 2012

"A Message for You"

I can see the pain frm ur eyes.
Though ur trying to show ur fake smiles.
Punishing urself because he left you,
Yet u know it was all about his ego.

Let go! Move on! Have fun today.
There are fishes in the sea, as they say
You dont deserve a person like him,
Who knows u might find ur match in the other team.
Just kidding!

Vice Ganda: the one and only unkabogable star

Isa akong tagahanga ng nag-iisa at unkabogable star Vice Ganda. Siya ay inspirasyon ng bawat kabataan ngayon. Dahil sa kanya, namulat ang kaisipan ng mga madlang people sa baluktot na paniniwala tungkol sa bakla. Ipinaunawa niya sa atin ang salitang "pagkakapantay-pantay". Napapatawa niya tayo sa kabila ng problemang ating kinakaharap. Lumalakas ang ating loob na lumaban sa pagsubok ng buhay. Oo, ATIN! Dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Alam kong may mga tao diyan na higit pa ang epektong nagawa ng isang Vice Ganda sa kanya.
At hinding-hindi ako magsisisi na umidolo sa taong ito dahil pagsamahin man ang mga talang nagniningning sa kalangitan, hindi parin sapat upang pantayan ang kinang ng pinakamahusay, pinakamaganda at pinakamatalinong si Vice Ganda.